Iniharap ng Tupi Municipal Police Station ang kaso laban sa isang lalaki na naaresto matapos iulat ang isang nakakaalarmang social media post na may kaugnayan sa baril sa Purok 10B, Barangay Poblacion, Tupi, South Cotabato.
Kasunod ng imbestigasyon, isinampa laban sa alyas “Roby” ang reklamo para sa Alarm and Scandal sa ilalim ng Article 155 ng Revised Penal Code, kaugnay ng Section 6 ng Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act, sa Office of the Provincial Prosecutor.
Samantala, ang cellphone na narekober sa operasyon ay isasailalim sa technical examination ng Regional Anti-Cybercrime Unit 12 upang makatulong sa pagkuha at pangangalaga ng mga digital evidence na maaaring may kaugnayan sa kaso.
Nanawagan naman si PRO 12 Regional Director PBGEN Alan B. Manibog sa publiko na maging responsable sa paggamit ng social media at agad ireport sa mga awtoridad ang anumang post o impormasyon na maaaring magdulot ng alarma o banta sa seguridad ng komunidad.










