Pinangunahan nina Department of the Interior and Local Government o DILG Secretary Jonvic C. Remulla at PNP Chief PGEN Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang incident briefing sa Kapanalig Hall ng South Cotabato Police Provincial Office noong Setyembre 21, 2026, kaugnay ng insidente sa Banga National High School.
Dinaluhan ang briefing ng mga pangunahing opisyal ng pulisya at iba pang kinauukulang awtoridad upang talakayin ang pinakabagong development sa imbestigasyon, mga isinagawang operasyon at mga hakbang sa seguridad kaugnay ng insidente.
Kabilang sa dumalo sina PRO 12 Regional Director PBGEN Alan B. Manibog, Deputy Regional Director for Operations at Special Investigation Task Group Commander PCOL Nathaniel G. Villegas, at iba pang police officials at personnel.
Tinalakay rin ang patuloy na imbestigasyon, police response at koordinasyon sa lokal na pamahalaan at mga opisyal ng edukasyon. Ayon kay PBGEN Manibog, kailangang malinaw at beripikado ang bawat ulat at may kaukulang aksyon upang matiyak ang seguridad ng mga paaralan, komunidad at kaligtasan ng mga kabataan.










