Naaresto ng mga operatiba ng pulisya ang isang Rank 9 Regional Most Wanted Person habang isinasagawa ang warrant of arrest sa Barangay Guiling, Alamada, Cotabato. Ang naaresto ay si alyas “Lee,” 33 taong gulang, isang magsasaka at residente ng Sitio Tabunan, Barangay Guiling, Alamada, Cotabato.
Nahaharap siya sa kasong pagpatay (Murder) na walang inirekomendang piyansa. Isinagawa ang operasyon ng Tracker Team ng Alamada Municipal Police Station bilang lead unit, katuwang ang RIU 12, 2nd CPMFC, at 1203rd Maneuver Company, RMFB 12.
Binigyang-diin ni PBGen. Alan B. Manibog, Regional Director ng PRO 12, ang patuloy na pagsisikap ng pulisya na matunton ang mga wanted na indibidwal at maiharap sila sa kaukulang hukuman.









