Mahigpit na nagbabantay ang pulisya at militar sa Tugunan, Bangsamoro Special Geographic Area, dahil sa posibleng pagganti ng natitirang miyembro ng Dawlah Islamiya at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF). Pitong armadong lalaki ang nasawi sa magkakasunod na engkuwentro sa Barangays Manaulanan at Balong noong Setyembre 19.
Ayon sa mga awtoridad, kabilang sila sa mga natitirang miyembro ng dalawang grupo na hindi sumailalim sa reconciliation program ng militar at pulisya.
Humingi naman ng proteksiyon ang mga residente dahil sa pangambang magkaroon ng harassment o pag-atake bilang ganti sa pagkamatay ng pitong kasamahan ng mga armadong grupo.










