Umabot sa anim ang naiulat na nasawi matapos ang naganap na matinding engkwentro sa Barangay Manaulanen at Barangay Balong Tugunan sa Special Geographic Area (SGA)-BARMM!
Ayon sa paunang impormasyon, nag-ugat ang palitan ng putok nang maghahain sana ng warrant of arrest laban sa ilang indibidwal, ngunit hindi nagkatagpo ang mga target at ang mga awtoridad na nagsagawa ng operasyon.
Dahil dito, agad na nagtungo sa mismong lugar ang grupo ng MILF-AHJAG upang personal na siyasatin at imbestigahan ang naganap na insidente.
Pinangunahan ang imbestigasyon nina MILF Secretary Dhen Pandita at Team Site-1 Head Nur-Ali Alamada, sa ilalim ng pamamahala ni MILF-AHJAG Chairman at MILF Central Committee member Anuwar “Young Fighter” Alamada.










