Itinalaga si Director III George Paul P. Alcovindas bilang bagong Regional Director ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Regional Office BARMM. Sa kanyang bagong tungkulin, pangungunahan ni Alcovindas ang pagpapatupad ng mga programa at operasyon ng ahensya laban sa ilegal na droga sa buong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Kabilang dito ang pagpapatuloy ng mga operasyon sa drug law enforcement, gayundin ang mga programa para sa drug prevention, education at community engagement. Inaasahan din ang mas pinaigting na koordinasyon ng PDEA BARMM sa mga partner agencies, lokal na pamahalaan, law enforcement units, at mga komunidad upang mapalakas ang kampanya laban sa ilegal na droga.
Sa ilalim ng bagong pamunuan, layunin ng regional office na ipagpatuloy ang mga hakbang para sa isang mas ligtas at drug-free na Bangsamoro, kasabay ng pagpapatibay ng ugnayan sa iba’t ibang sektor at komunidad sa rehiyon.










