Patuloy na pinaiigting ng Cotabato City Police Office o CCPO ang mga hakbang pangseguridad sa lungsod upang maiwasan ang anumang banta at mapanatili ang kapayapaan at kaayusan.
Kabilang sa mga isinasagawang hakbang ang pagpapalakas ng seguridad sa mga border point, checkpoint at chokepoint, gayundin ang mas pinaigting na police visibility sa iba’t ibang lugar sa Cotabato City.
Isinasagawa rin ng kapulisan ang intelligence-driven security operations upang agad na matukoy at matugunan ang mga posibleng banta sa seguridad ng publiko. Ayon sa CCPO, layunin ng mga hakbang na ito na mapanatili ang peace and order at matiyak ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng Cotabateños.
Binigyang-diin naman ng CCPO na nakasandig ang kanilang commitment sa unity, teamwork, at integrity, sa patuloy na pagtutulungan ng kapulisan at komunidad upang mapanatiling ligtas at maayos ang Cotabato City.










