Naglabas ng assessment ang Cotabato City Police Office o CCPO hinggil sa mga naging kaganapan at hamon sa katatapos lamang na unang Bangsamoro Parliamentary Election.
Ayon sa CCPO, may ilang insidente at hamon na naitala sa panahon ng halalan, ngunit nanatiling maayos at kontrolado ang kabuuang proseso ng pagboto sa Cotabato City dahil sa agarang pagtugon at koordinasyon ng mga law enforcement units, election authorities, government agencies at iba pang stakeholders.
Pinuri rin ng CCPO ang dedikasyon ng mga security personnel at election workers na naging bahagi ng pagpapanatili ng seguridad at maayos na daloy ng halalan.
Nagpaabot din ng pasasalamat ang kapulisan sa mga mamamayan ng Cotabato City dahil sa kanilang pakikipagtulungan, pagiging mapagmatyag, pagpipigil at aktibong pakikilahok sa buong proseso ng halalan.
Ayon pa sa CCPO, bagama’t may mga insidenteng naitala, agad naman itong natugunan sa pamamagitan ng mabilis na pagresponde at koordinasyon ng iba’t ibang ahensya.
Binigyang-diin ng CCPO na naging mahalaga ang pakikiisa ng mga mamamayan at stakeholders sa matagumpay na pagsasagawa ng unang Bangsamoro Parliamentary Election sa lungsod.










