COTABATO CITY GOVERNMENT, NAGPATUPAD NG PRECAUTIONARY MEASURES SA PASOK SA TRABAHO AT KLASE

Nagpatupad ng mga precautionary measures ang Pamahalaang Lungsod ng Cotabato mula Setyembre 15 hanggang 18, 2026, kasunod ng mga insidenteng naganap kaugnay ng kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections.

Ayon sa lokal na pamahalaan, ang mga hakbang ay isinagawa habang nagpapatuloy ang imbestigasyon at security assessment ng mga kinauukulang awtoridad, at bilang pag-iingat para sa kaligtasan ng mga residente.

Para sa mga empleyado ng pamahalaang lungsod, ipatutupad ang work-from-home arrangement sa mga tanggapan ng City Government. Gayunman, magpapatuloy ang operasyon ng mga essential services, health, emergency, disaster response, peace and order support, at iba pang frontline services.

Samantala, suspendido ang face-to-face classes sa lahat ng antas, sa mga pampubliko at pribadong paaralan. Sa halip, isasagawa muna ang asynchronous learning, habang ang mga nakatakdang pagsusulit ay ipagpapaliban at muling itatakda sa ibang araw.

Para naman sa pribadong sektor, maaaring magpatupad ang mga opisina, negosyo, establisyimento at bangko ng work-from-home, flexible, o alternatibong work arrangement, depende sa magiging desisyon ng kanilang pamunuan.

Iginiit ng lokal na pamahalaan na ang mga hakbang na ito ay pansamantala at bahagi ng pag-iingat upang mapanatili ang kaligtasan ng publiko habang nagpapatuloy ang koordinasyon sa mga awtoridad.

Hinimok naman ang lahat ng residente na manatiling kalmado, mag-ingat, at umiwas sa pagpapakalat ng hindi beripikadong impormasyon. Pinayuhan ang publiko na umasa lamang sa mga opisyal na anunsyo mula sa Pamahalaang Lungsod at iba pang kinauukulang ahensya.

Maglalabas naman ng karagdagang abiso ang lokal na pamahalaan kung kinakailangan, depende sa magiging resulta ng security assessment at sitwasyon sa lungsod.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

PRESIDENTE SA PARAGUAY SANTIAGO PEÑA

PRESIDENTE SA PARAGUAY SANTIAGO PEÑA, NAG-RESIGN TALIWALA SA KRISIS SA DIGITAL BANK UG IMPEACHMENT...

0
Mi-resign sa iyang posisyon si Paraguayan President Santiago Peña niadtong Huwebes human sa krisis nga nalambigit sa Ueno Bank, diin minilyon ka kliyente ang...
DENR, GIPATAAS MAXIMUM ALERT STATUS ALANG SA PAGBANTAY BATOK SA FOREST FIRE KARONG EL NIÑO

DENR, GIPATAAS ANG MAXIMUM ALERT STATUS ALANG SA PAGBANTAY BATOK SA FOREST FIRE KARONG...

0
Gipatuman sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pinakataas nga lebel sa alerto alang sa mga lakang batok sa posibleng pagkaylap sa...
Konsehal Desiree Dahino

ANTI-BULLYING ORDINANCE SA CDO, GI-AMYENDAHAN ARON MATUBAG ANG BAG-ONG PORMA SA BULLYING

0
Gipalig-on pa karon sa Cagayan de Oro City ang Anti-Bullying Ordinance human nga maaprubahan sa Konseho sa nilabayng sesyon ang ordinansa nga mag-amyenda sa...
CdeO City Council

PAGBALIK SA ORDINANSA NGA MAGHATAG INSENTIBO SA MGA PUROK LEADER, GIKWESTYON

0
Nagpadayag sa hugot nga pagsupak ang minority group sa Cagayan de Oro City Council sa pagpabalik sa ordinansa nga daan ng gisuspende sa sayong...
CAGAYAN DE ORO, NAGTUKOD OG TASK FORCE ALANG SA PAG-ANDAM SA SUPER EL NIÑO

CAGAYAN DE ORO, NAGTUKOD OG TASK FORCE ALANG SA PAG-ANDAM SA SUPER EL NIÑO

0
Nagpalig-on na og mga lakang ang lokal nga panggamhanan sa Cagayan de Oro aron matabangan ang mga residente nga posibleng maapektuhan pag-ayo sa Super...
MISAMIS ORIENTAL

MISAMIS ORIENTAL, GIPALIG-ON ANG PAG-ANDAM BATOK EL NIÑO UG KALAMIDAD

0
Gipahibalo ni Board Member Princess Emano atol sa ika-62 nga Regular Session sa Sangguniang Panlalawigan sa Misamis Oriental ang umaabot nga committee meeting kalabot...

Hot this week

Juander Radyo Drama Production Center

Juander Radyo Drama Production Center Juander Radyo Drama Production Center...

Juander Radyo Online – Malaybalay

  🎙️ Juander Radyo Online - Malaybalay Juander Radyo...

Juander Radyo Online – Dipolog

  🎙️ Juander Radyo Online - Dipolog Juander Radyo...

Juander Radyo Online – Pagadian

  🎙️ Juander Radyo Online - Pagadian Juander Radyo...

Juander Radyo Online – Digos

  🎙️ Juander Radyo Online - Digos Juander Radyo...
RSV Online https://www.rsvlifecaremarketing.comspot_imgspot_img

Related Articles

Popular Categories

spot_imgspot_img