Matapos ang naiulat na pagsabog kahapon, naging mahigpit ang seguridad sa 2nd Gate ng Cotabato City Central Pilot Elementary School. Hindi agad pinapasok sa nasabing gate ang mga botante, gayundin ang mga miyembro ng media, habang isinasagawa ng mga awtoridad ang kinakailangang security assessment sa lugar.
Naging bahagi ito ng agarang hakbang ng mga awtoridad upang matiyak ang kaligtasan ng mga botante, election personnel at iba pang mga taong nasa paligid ng paaralan.
Patuloy namang minonitor ng mga awtoridad ang sitwasyon at nagsagawa ng kaukulang security measures matapos ang naiulat na pagsabog. Sa ngayon, hinihintay ang kumpletong resulta ng imbestigasyon upang matukoy ang sanhi ng insidente at ang iba pang detalye na may kaugnayan dito.
Mahalaga ring paalala sa publiko na manatiling mapagmatyag at umasa lamang sa mga kumpirmadong impormasyon mula sa mga awtoridad upang maiwasan ang pagkalat ng maling impormasyon.










