Mas hihigpitan pa ng Cotabato City Peace and Order Council (CCPOC) ang seguridad sa lungsod matapos ang mga election-related incidents noong Setyembre 14 na ikinasawi ng tatlo at ikinasugat ng 19 na katao. Ipatutupad ang mas pinaigting na police at military presence sa mga lugar na itinuturing na security concern, kasama ang clearing operations at paghiling ng karagdagang security personnel.
Lumabas sa assessment na nasa 500 lamang ang na-deploy na security personnel mula sa 850 na hiniling ng lungsod para sa election operations. Giit ni City Mayor Matabalao, dapat managot ang sinumang mapatutunayang sangkot sa mga insidente, anuman ang kanilang political affiliation.
Kasabay nito, hinikayat ang mga barangay officials at residente na agad i-report sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang ma-validate at maaksyunan. Nanawagan ang alkalde na matapos na ang tensiyon dulot ng halalan at magtulungan ang lahat upang maibalik ang kapayapaan at seguridad sa lungsod.










