Naipagkaloob na ang ₱500 cash prize sa masuwerteng nanalo sa programang Huegotodo ng 102.1 Juander Radyo Cotabato. Ang naturang programa ay bahagi ng mga interactive na programa ng bagong estasyon na nagbibigay ng pagkakataon sa mga tagapakinig na makilahok at magkaroon ng pagkakataong manalo ng cash prize.
Mapapakinggan ang Huegotodo tuwing alas-11 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali, kaya naman hinihikayat ang mga Kajuander na patuloy na makinig, makilahok at abangan ang mga susunod na laro at pagkakataong manalo.
Hindi lang balita, impormasyon at serbisyo publiko ang hatid ng 102.1 Juander Radyo Cotabato, kundi maging mga programang nagbibigay ng saya at dagdag na oportunidad para sa mga tagapakinig.
Kaya naman, Kajuander, huwag bibitaw sa inyong radio Patuloy lamang sa pakikinig sa 102.1 Juander Radyo Cotabato, dahil baka ikaw na ang susunod na masuwerteng mapili at makauwi ng ₱500 cash prize.
Abangan ang mga susunod na episode ng Huegotodo at makisali sa programa kasama ang ating mga tagapaghatid ng saya at impormasyon. Ang 102.1 Juander Radyo Cotabato ang bagong estasyon dito sa Lungsod ng Cotabato City, kasama ninyo sa balita, serbisyo publiko, impormasyon at libangan.










