Ibinalik na sa kani-kanilang regular units at tanggapan ang mga tauhan ng provisional battalions ng 1st Infantry Division o 1ID matapos ang kanilang isinagawang security mission sa Lanao del Sur.
Ang deployment ay bahagi ng paghahanda at pagpapatupad ng seguridad para sa kauna-unahang Bangsamoro Parliamentary Elections na isinagawa noong Setyembre 14.
Pinangunahan ni 1ID Commander Major General Yegor Rey P. Barroquillo Jr. ang welcome at deactivation ceremony para sa mga tauhang nagbalik matapos ang kanilang election security mission. Sa seremonya, kinilala ang kanilang naging bahagi sa pagpapanatili ng seguridad at kaayusan sa kanilang nasasakupang lugar.
Matapos ang kanilang deactivation, balik na sa kanilang regular na units at tanggapan ang mga tauhan upang ipagpatuloy ang kanilang mga pangunahing tungkulin bilang bahagi ng Philippine Army.










