Pansamantalang walang face-to-face classes sa lahat ng antas sa Cotabato City simula ngayong Setyembre 21 hanggang Setyembre 26, 2026. Gagamitin muna ang modular at online learning, at walang anumang gaganaping eksaminasyon sa buong linggong ito.
Ayon sa lokal na pamahalaan, isinagawa ang desisyon matapos ang konsultasyon sa mahigit animnapung libong (60,414) magulang. Lumabas na animnapu’t tatlong porsyento (63%) ang mas pinili ang modules at learning activity sheets para sa kaligtasan at sitwasyon ng kani-kanilang pamilya.
Pinag-aralan din ang mga mungkahi nina City Police Director PCol. Jibin Bongcayao at Schools Division Superintendent Dr. Johnny Balawag upang siyasatin ang seguridad at kahandaan ng bawat paaralan sa lungsod.
Nilinaw ng Alkalde na walang tiyak na banta sa mga paaralan at pante-pag-iingat lamang ito. Humihingi ang pamahalaan ng pang-unawa habang ginagamit ang linggong ito para palakasin ang seguridad bago bumalik ang mga mag-aaral sa silid-aralan.










