Magiging kabilang sa mga prayoridad ng bagong pamunuan ng Ministry of Labor and Employment o MOLE-BARMM ang pagbibigay ng pagkakataong makapagtrabaho sa mga kwalipikadong dating Mujahideen at Mujahidat.
Ayon kay bagong talagang Minister Atty. Kitem Kadatuan Jr., bibigyang-pansin ang mga aplikanteng pasok sa Salary Grade 1 hanggang 9 para sa mga posisyong Job Order at Contract of Service.
Inilahad niya ang naturang direksyon kasabay ng kanyang pormal na pag-upo bilang pinuno ng ahensya nitong Nobyembre 9, 2026.
Sa ilalim ng kanyang pamumuno, inaasahang mabubuksan ang karagdagang oportunidad sa trabaho para sa mga kwalipikadong dating miyembro ng pakikibaka sa Bangsamoro.










