Unti-unti nang naaayos ang kalsada sa Barangay Bintan, bayan ng Talitay, Maguindanao del Norte, kasabay ng nagpapatuloy na paglilinis at pagtanggal ng mga sagabal sa daanan nitong Nobyembre 7.
Matagal nang hinihintay ng mga residente ang maayos na kalsada, lalo na’t naging mahirap ang pagbiyahe papunta at palabas ng kanilang lugar dahil sa mga nagdaang armadong labanan.
Ayon kay Ministry of Public Order and Safety o MPOS-BARMM Minister Datu Jomar Midtimbang, nasimulan na ang proyekto bago pa man siya italaga sa naturang posisyon ni Chief Minister Abdulraof Macacua. Inaasahang magiging mas madali ang pagbiyahe ng mga residente kapag natapos ang pagsasaayos ng kalsada.
Malaking tulong din ito sa pagdadala ng mga pangunahing pangangailangan at sa pang-araw-araw na gawain ng mga mamamayan sa nasabing barangay.
Patuloy namang inaasahan ng mga residente ang pagkumpleto ng proyekto upang magkaroon sila ng mas maayos at ligtas na daanan.










