Suspendido ang trabaho sa lahat ng tanggapan ng Bangsamoro Government simula alas-1 ng hapon ngayong Lunes, Setyembre 28, 2026, bilang pakikiisa sa paggunita ng 34th National Family Week at “Kainang Pamilya Mahalaga” Day.
Ang suspensyon ay alinsunod sa Memorandum Circular Number 136 ng Office of the President at Memorandum Circular Number 137, Series of 2026, ng Office of the Chief Minister. Layunin nito na mabigyan ng pagkakataon ang mga kawani ng pamahalaan na makapaglaan ng mas maraming oras para sa kanilang pamilya.
Hinihikayat ang mga kawani na gamitin ang pagkakataong ito upang mapatatag ang ugnayan at makasama ang kanilang mga mahal sa buhay. Pinapaalalahanan naman ang lahat ng concerned government offices at personnel na sundin ang nasabing direktiba.










