Nagsagawa ng 3rd Quarter Meeting ang Cotabato City Disaster Risk Reduction and Management Council o CDRRMC upang talakayin ang mga programa, proyekto, at aktibidad ng lungsod na may kaugnayan sa disaster risk reduction and management o DRRM.
Iniulat din ng Cotabato City Disaster Risk Reduction and Management Office o CDRRMO ang mga programa at aktibidad na naisagawa nito noong ikalawang quarter ng taong 2026.
Samantala, iniulat ng anim na pangunahing tanggapan ng lungsod ang kani-kanilang Fund Utilization Reports. Nakapaloob dito ang mga pondong nagamit, mga programang isinagawa, mga aktibidad na naipatupad, at ang natitirang balanse para sa mga DRRM program.
Tinalakay rin sa pagpupulong ang Letter of Intent ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP na naglalayong maging opisyal na bahagi ng CDRRMC.
Dumalo rin sa pagpupulong ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang lokal na tanggapan ng pamahalaan, line agencies, partner organizations, at non-government organizations o NGOs.
Kabilang dito ang Philippine Red Cross, Philippine National Police o PNP, Bureau of Fire Protection o BFP, Philippine Coast Guard, Armed Forces of the Philippines o AFP, World Vision, at Kutawato Greenland Initiatives.
Layunin ng pagpupulong na higit pang mapalakas ang koordinasyon at kahandaan ng iba’t ibang sektor sa pagtugon sa mga sakuna at iba pang emergency situation sa Cotabato City.










