Bagama’t natapos na ang election deployment ng ilang augmented security forces, mananatili pa rin sa Cotabato City ang mga tauhan ng 72nd Infantry Battalion o 72nd IB, Philippine Army para ipagpatuloy ang mga operasyon para sa seguridad ng lungsod.
Ayon kay Lieutenant Colonel Pablo M. Masa-ad, commanding officer ng 72nd IB, magsasagawa ang kanilang tropa ng mobile patrol, strategic checkpoint, area monitoring, intelligence validation at pakikipag-ugnayan sa komunidad. Gagawin ito katuwang ang PNP at iba pang security forces.
Sinabi ni Masa-ad na hindi nagtatapos sa araw ng halalan ang kanilang responsibilidad sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad. Nanawagan din siya sa mga residente na manatiling kalmado at mapagmatyag, huwag magpakalat ng hindi beripikadong impormasyon, at agad i-report sa mga awtoridad ang anumang kahina-hinalang aktibidad.










