Kumpleto na ang augmentation forces para sa Bangsamoro Parliamentary Elections sa September 14. Nagmula ang mga ito sa Regions 9, 10, 11, 12 at 13. Kasama rito ang Special Action Force, Maritime Group at EOD-K9. Bukod sa 5,000 augmentation forces, nakahanda rin ang 2,000 police personnel bilang Special Electoral Board.
Tutulong sila sakaling may mga gurong umatras sa halalan. May 2,000 police personnel din mula sa PRO-BAR na nakahanda. Layunin ng joint leaders conference na palakasin ang koordinasyon ng mga lider at ahensya.
Tutuon ito sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa Maguindanao del Norte at SGA. Ito ay paghahanda para sa nalalapit na halalan sa BARMM.
Photo Courtesy:Wikipedia










