Hinimok ni election lawyer Atty. Romulo Macalintal ang mga lider at miyembro ng mga partidong politikal sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM na panindigan at tuparin ang kanilang mga napagkasunduan, lalo na sa pagpili ng bagong Chief Minister sa Oktubre 30, dos mil bente-sais. Ayon kay Macalintal, mahalagang hindi lamang ang pagpili sa susunod na pinuno ang bigyang-pansin, kundi pati ang katapatan at pananagutan ng mga lider sa kanilang mga pangako.
Binigyang-diin ni Macalintal na may malaking epekto sa mga kabataang Bangsamoro ang mga ipinapakita ng kanilang mga lider, lalo na pagdating sa pamumuno at politika. Aniya, kung hindi tutuparin ng mga lider ang mga kasunduan ng kanilang partido, maaaring mawalan ng tiwala ang kabataan sa mga pulitiko at sa kanilang kakayahang maging tapat at responsable sa kanilang mga tungkulin.
Dahil dito, umaasa si Macalintal na magiging pagkakataon ang pagpili ng bagong Chief Minister upang maipakita ng mga lider ng BARMM ang kahalagahan ng pagkakaisa, pagtupad sa mga pangako, at pagiging mabuting halimbawa sa susunod na henerasyon. Binigyang-diin na ang tunay na pamumuno ay hindi lamang nasusukat sa posisyong nakukuha, kundi pati sa paninindigan, integridad, at pagtupad sa mga salitang binitiwan sa kanilang mga kaalyado at sa mamamayang Bangsamoro.
Photo courtesy: Abogado










