SHARIFF AGUAK, PINABULAANAN ANG KUMAKALAT NA PEKE AT MALI UMANO’NG BALITA TUNGKOL SA KAGULUHAN

Mariing pinabulaanan ng Pamahalaang Bayan ng Shariff Aguak ang kumakalat sa social media na umano’y nagkaroon ng kaguluhan sa bayan nitong Setyembre 29, 2026. Ayon sa lokal na pamahalaan, walang katotohanan ang naturang impormasyon at agad itong bineripika ng mga opisyal ng barangay kasama ang mga Barangay Peacekeeping Action Team o BPAT.

SHARIFF AGUAK, PINABULAANAN ANG KUMAKALAT NA PEKE AT MALI UMANO’NG BALITA TUNGKOL SA KAGULUHAN

Batay sa isinagawang pag-iinspeksyon at beripikasyon, walang naitalang kaguluhan, karahasan o anumang insidente ng bakbakan sa mga barangay sa nabanggit na oras. Nanatiling payapa, ligtas at normal ang sitwasyon sa lugar, at nagpapatuloy ang karaniwang pamumuhay ng mga residente.

Gayunman, sinabi ng lokal na pamahalaan na nagkaroon ng tensyon sa isang sitio sa isang barangay, ngunit agad itong na-neutralize sa pamamagitan ng pagtutulungan ng mga punong barangay, mga kumander ng MILF at Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities o CCCH-MILF. Nilinaw na walang nangyaring bakbakan.

Pinaalalahanan naman ang publiko na huwag agad maniwala o magbahagi ng impormasyon na hindi pa beripikado, dahil maaari itong magdulot ng takot, pangamba at kalituhan. Hinikayat ang mga residente na sumubaybay lamang sa opisyal na Facebook page ng Bayan ng Shariff Aguak at makipag-ugnayan sa mga awtoridad para sa anumang paglilinaw.

Samantala, sinabi ng lokal na pamahalaan na nakikipag-ugnayan na ito sa mga kinauukulan upang matukoy ang pinagmulan ng kumakalat na maling impormasyon at posibleng magsagawa ng kaukulang legal na hakbang.

Photo courtesy: PNA, Shariff Aguak Municipality FB page

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

ACT, GIDUSO NGA PATAS-AN NGADTO SA ₱5K ANG PERSONNEL ECONOMIC RELIEF ALLOWANCE SA MGA EMPLEYADO SA GOBYERNO

ACT, GIDUSO NGA PATAS-AN NGADTO SA ₱5K ANG PERSONNEL ECONOMIC RELIEF ALLOWANCE SA MGA...

0
Giduso sa Alliance of Concerned Teachers o ACT ang pagpataas sa Personnel Economic Relief Allowance o PERA sa mga empleyado sa gobyerno gikan sa...
DIGOS CITY NHS, NAKADAWAT OG 5 KA BAG-ONG LEARNING HUBS

DIGOS CITY NHS, NAKADAWAT OG 5 KA BAG-ONG LEARNING HUBS

0
Gipahigayon ang ribbon-cutting ug turnover ceremony sa 5 ka bag-ong learning hubs sa Digos City National High School nga adunay kinatibuk-ang kantidad nga ₱200,000. Matud...
18-ANYOS NGA SUSPEK NASIKOP SA BUY-BUST; SHABU UG MARIJUANA NAKUMPISKA

18-ANYOS NGA SUSPEK NASIKOP SA BUY-BUST; SHABU UG MARIJUANA NAKUMPISKA

0
‎Gilusad sa Sta. Cruz Municipal Police Station ang joint buy-bust operation nga miresulta sa pagkasikop sa 18-anyos nga si alyas “Dodong” sa Purok Perlas,...
P1.7-M NA SHABU NASABAT SA BUY-BUST SA COTABATO CITY; HVT ARESTADO

P1.7-M NA SHABU NASABAT SA BUY-BUST SA COTABATO CITY; HVT ARESTADO

0
Arestado ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA at Philippine National Police ang isang High Value Target o HVT matapos...
NAKAW NA MOTORSIKLO, NABAWI SA PARANG; SUSPEK, ARESTADO SA HOT PURSUIT OPERATION

NAKAW NA MOTORSIKLO, NABAWI SA PARANG; SUSPEK ARESTADO SA HOT PURSUIT OPERATION

0
Nabawi ng Parang Municipal Police Station ang isang nakaw na motorsiklo at naaresto ang suspek sa isinagawang hot pursuit operation sa Barangay Dalumangcob, Sultan...
HIGIT P1-M HALAGANG SIGARILYO, NASABAT SA LOOB NG AMBULANSYA; 2 ARESTADO SA SULTAN NAGA DIMAPORO

HIGIT P1-M HALAGANG SIGARILYO, NASABAT SA LOOB NG AMBULANSYA; 2 ARESTADO SA SULTAN NAGA...

0
Nasabat sa checkpoint sa Barangay Bansarvil 1, Kapatagan, Lanao del Norte ang tinatayang P1.08 milyong halaga ng hinihinalang puslit na sigarilyo na sakay ng...

Hot this week

Juander Radyo Drama Production Center

Juander Radyo Drama Production Center Juander Radyo Drama Production Center...

Juander Radyo Online – Malaybalay

  🎙️ Juander Radyo Online - Malaybalay Juander Radyo...

Juander Radyo Online – Dipolog

  🎙️ Juander Radyo Online - Dipolog Juander Radyo...

Juander Radyo Online – Pagadian

  🎙️ Juander Radyo Online - Pagadian Juander Radyo...

Juander Radyo Online – Digos

  🎙️ Juander Radyo Online - Digos Juander Radyo...
RSV Online https://www.rsvlifecaremarketing.comspot_imgspot_img

Related Articles

Popular Categories

spot_imgspot_img