Tinambangan ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek na sakay ng motorsiklo ang dalawang lalaki sa Nabalawag, Special Geographic Area o SGA ng BARMM, sa Nabalawag-Maharlika Highway, sa harap ng bahay ni alyas “Sali” sa Barangay Olandang.
Ayon sa paunang ulat, nakatayo ang dalawang biktima sa naturang lugar nang biglang dumating ang dalawang suspek at pinagbabaril sila. Dead on the spot si Ebrahim Blah Madidis, habang sugatan naman si alyas “Sali”.
Agad na nagsagawa ng imbestigasyon at hot pursuit operation ang Nabalawag Municipal Police Station upang matukoy at maaresto ang mga suspek. Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa motibo at buong pangyayari sa pamamaril.










