Nagpatuloy ang diyalogo ng Bangsamoro Grand Coalition o BGC sa iba’t ibang partidong pampolitika at stakeholders sa Bangsamoro. Nakipagpulong ang mga lider ng BGC sa Bangsamoro Federalist Party o BFP, sa pangunguna ni Interim Chief Minister Abduraof Macacua.
Layunin ng pagpupulong na palawakin ang pag-uusap at pagtutulungan ng mga grupo upang isulong ang pagkakaisa, kapayapaan at inklusibong pag-unlad sa Bangsamoro.
Tinalakay rin sa pagpupulong ang kahalagahan ng patuloy na koordinasyon at pakikipagtulungan ng mga partidong pampolitika at iba pang stakeholders para sa kapakanan ng mga mamamayan sa rehiyon.










