Muling nagtungo sa Korte Suprema ang grupong Save Bangsamoro Movement upang manawagan na aksyunan ang kanilang nakabinbing petisyon laban sa Bangsamoro Autonomous Act Number 86 o BAA 86.
Ang BAA 86 ang batas na nagtakda ng mga parliamentary district sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM. Partikular na kinukuwestyon ng grupo ang naging pagbabago sa Third Parliamentary District at nais nilang malaman kung nasunod ang mga itinakdang panuntunan sa pagbuo at paghahati ng mga distrito.
Iginiit ng grupo na nagkaroon umano ng hindi patas na paghahati-hati ng mga distrito, dahilan upang hilingin nila sa Korte Suprema na suriin ang isinagawang redistricting at ang legalidad ng naging configuration ng mga parliamentary district sa Bangsamoro.










