Nakatakdang sunugin ngayong araw, Setyembre 29, ang mahigit 100 kahon ng hinihinalang puslit na sigarilyong nasabat ng 6th Marine Rifle Battalion sa Diversion Area, sakop ng Barangay Poblacion 8, noong Agosto 18, 2026.
Isasagawa ang pagsunog sa Purok Hidaya, Dumpsite, Barangay Poblacion 9, Cotabato City, alinsunod sa kautusan ng korte para sa disposisyon ng mga nakumpiskang sigarilyo. Pangungunahan ito ng PNP Station 2, sa presensya ng mga opisyal ng Barangay Local Government Unit ng Poblacion 9, Cotabato City.
Matatandaang tatlong suspek ang naaresto nang masabat ng 6th Marine Rifle Battalion ang isang wing van na lulan ng mga sigarilyong Molton Menthol. Matapos ang operasyon, itinurn-over ang mga naarestong suspek sa PNP Station 2 para sa kaukulang proseso.










