Sa pagbabalik ng face-to-face classes sa Cotabato City ngayong araw, mahigpit na security inspection ang ipinatutupad sa mga estudyanteng pumapasok sa mga paaralan.
Isa-isang iniinspeksyon ang mga gamit ng mga estudyante bilang bahagi ng security measures upang matiyak ang kanilang kaligtasan habang nasa loob ng paaralan.
Pati ang mga sasakyang pumapasok sa mga paaralan ay sumasailalim din sa inspection. Katuwang ng City PNP sa pagpapanatili ng seguridad ang mga tauhan ng Philippine Army na naka-deploy at makikita sa ilang bahagi ng lungsod.
Patuloy namang hinihikayat ang mga estudyante, guro at magulang na makipagtulungan sa mga awtoridad at sundin ang mga ipinatutupad na security measures para sa ligtas na pagbabalik ng face-to-face classes.










