Patuloy ang agarang pagtugon ng mga awtoridad sa sitwasyon sa Mother Barangay Kalanganan at Kalanganan 1 sa Cotabato City. Nakahanda na ang Bahay Pag-Asa bilang evacuation center para sa mga residenteng kailangang lumikas.
Nag-deploy naman ang CDRRMO ng dalawang rescue vehicle upang sunduin at ihatid ang mga lumikas, lalo na ang mga matatanda, kababaihan at mga bata. Nakaantabay din ang CDRRMO sa Police Station 4 bilang pickup point, habang nakikipag-ugnayan sa Public Safety upang matiyak ang seguridad sa lugar.
Naka-standby rin ang HEMS at iba pang medical personnel para sa anumang kinakailangang agarang tulong. Patuloy naman ang koordinasyon ng CDRRMO at OSWDS para sa maayos at ligtas na paglikas ng mga residente.
Nakahanda na rin ang mga camp manager sa Bahay Pag-Asa sa pangunguna ni Ma’am Lisa Ampang. Papunta na rin sa evacuation center ang City Health Office, CDRRMO at HEMS personnel upang magbigay ng kinakailangang tulong medikal sa mga evacuees. Hinihikayat ang mga residenteng apektado na makipag-ugnayan sa mga awtoridad at sundin ang mga safety instructions para sa kanilang kaligtasan.










