Natagpuan ng mga awtoridad ang isang Honda Click motorcycle sa liblib na bahagi ng Barangay Tanuel, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, kaninang umaga. Pinaniniwalaang ito ay isang motorsiklong ninakaw ng mga suspek.
Ayon sa paunang impormasyon, iniwan ng mga suspek ang motorsiklo sa naturang lugar bago sila tumakas. Agad namang narekober ng mga awtoridad ang motorsiklo para sa kaukulang imbestigasyon.
Samantala, may naitala kamakailang insidente ng holdapan at pag-agaw ng motorsiklo sa Barangay Kalanganan 2, Cotabato City. Nauwi ang insidente sa pamamaril na ikinasugat ng punong barangay ng Tamontaka. Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para matukoy kung may kaugnayan ang mga insidente.










