Pinalalakas ng Rural Health Unit o RHU Ligawasan ang kahandaan ng mga kawani nito sa pagharap sa mga banta sa kalusugan sa pamamagitan ng pagsali sa EPIC Global Health Security Project training. Isinagawa ang pagsasanay ng AHA Behavioral Consultancy Corporation sa KDT Manor Hotel, Cotabato City.
Kinatawan ng RHU Ligawasan sa aktibidad sina Doctor Hairhea K. Satol, Registered Medical Technologist; Salman Abas, Registered Nurse; Sarah Matucan, Registered Midwife; Norhassan Maguid, Registered Nutritionist-Dietitian; at Nora Macalugi.
Layunin ng pagsasanay na palawakin ang kaalaman at kakayahan ng mga kawani sa sektor ng kalusugan sa paghahanda at pagtugon sa mga usaping pangkalusugan ng publiko, kabilang ang mga posibleng banta na maaaring makaapekto sa mga komunidad.
Inaasahang magagamit ng mga kalahok ang kanilang mga natamong kaalaman upang higit na mapatatag ang seguridad sa kalusugan at mapahusay ang kakayahan ng kanilang mga komunidad na harapin ang mga emerhensiyang pangkalusugan.
Sa pamamagitan ng patuloy na pagsasanay at pakikipagtulungan, nananatiling nakatuon ang RHU Ligawasan sa pagpapabuti ng serbisyong pangkalusugan at pangangalaga sa kaligtasan at kapakanan ng mga mamamayang kanilang pinaglilingkuran.










