Mariing kinondena ng lokal na pamahalaan ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte, ang pamamaril kay Punong Barangay Ahmad Ali Jabedin ng Barangay Dinaig Proper, na nagtamo ng bahagyang tama ng bala noong Oktubre bente, dos mil bente-sais.
Batay sa pahayag ng LGU, naganap ang insidente dakong alas-tres singkuwenta ng hapon sa Crossing ng Barangay Awang, Datu Odin Sinsuat.
Nanawagan ang lokal na pamahalaan sa Philippine National Police, Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region, Philippine Army, at iba pang kinauukulang ahensiya na magsagawa ng masusing at patas na imbestigasyon upang matukoy ang mga responsable sa pamamaril at mapanagot ang mga ito sa ilalim ng batas.
Nagpaabot din ng pakikiisa at pag-aalala ang LGU sa opisyal at sa kanyang pamilya, kasabay ng panawagan para sa katarungan, pananagutan, at pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa buong bayan.
Patuloy namang hinihikayat ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad at magbigay ng anumang impormasyong makatutulong sa imbestigasyon, sa pamamagitan ng mga opisyal na channel ng mga kinauukulang ahensiya.










