Kinilala bilang Consistent Awardee of Top Performing Barangay ang Barangay Rosary Heights 11 ng Cotabato City sa ginanap na 3rd Sandugo Award 2026. Ayon kay RH11 Chairman Joharto Binangon, hindi lamang ito tagumpay ng mga opisyal ng barangay kundi tagumpay ng buong komunidad na patuloy na nakikiisa sa mga programa at serbisyo ng barangay.
Nagpasalamat naman ang liderato ng Rosary Heights 11 sa lahat ng Barangay Health Workers at staff dahil sa kanilang dedikasyon, pagsisikap at patuloy na paglilingkod sa mga residente.
Binigyang-diin din ng barangay ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan upang mapanatili ang maayos na serbisyo at makamit ang mas maunlad at mapayapang pamayanan.
Patuloy naman ang pangako ng Barangay Rosary Heights 11 na pag-iibayuhin ang kanilang mga programa at serbisyo upang mapanatili ang magandang performance at higit pang matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga residente.










