Naresto ang Top 1 Most Wanted Person sa station level sa Barangay Panikupan, Bayan ng Tugunan, Special Geographic Area. Kinilala ang naaresto na si Guiabar Polo, 43 anyos, magsasaka at residente ng Purok Bunsain, MB Tamontaka, Cotabato City.
Ayon sa CCPO Police Station 3, may dalawang nakabinbing warrant of arrest si Polo para sa kasong Murder at Frustrated Murder. Walang piyansang inirekomenda sa kasong Murder, habang P200,000 naman ang piyansa sa Frustrated Murder na parehong inisyu ng Regional Trial Court Branch 13 sa Cotabato City.
Pinangunahan ng tracker team ng CCPO PS3, katuwang ang CIU, MPU, Tugunan MPS, 1405th MFC RMFB 14A at RID RIAT PRO BAR ang operasyon. Sa ngayon, nasa kustodiya na ng PS3 ang suspek at sumailalim na sa medical examination habang nakatakdang ibalik sa korte ang inisyung warrant.










