Buong kaluwagang tinanggap ni MILF leader at kasalukuyang Member of Parliament Abdullah “Kumander Bravo” Macapaar ang naging resulta ng nakaraang BARMM Parliamentary Election matapos siyang hindi makapasok sa 80-member Bangsamoro Parliament.
Hindi kabilang si Macapaar sa 15 party nominees ng United Bangsamoro Justice Party o UBJP na opisyal na ipinroklama ng COMELEC bilang mga makakakuha ng puwesto sa Parlamento.
Ang proklamasyon sa mga party nominees ay isinagawa nitong Martes sa Camp Siongco, kung saan pormal nang inilatag ang mga kinatawang bubuo sa Bangsamoro Parliament.
Samantala, nananatili sa puwesto bilang kasalukuyang MP si Macapaar hanggang sa matapos ang kanyang termino, habang inaabangan ang pormal na pagsisimula ng bagong Bangsamoro Parliament.










