Sinimulan na ng bagong administrasyon ni Bangsamoro Chief Minister Abdulraof “Sammy Gambar” Macacua ang proseso ng pagpili sa mga indibidwal na posibleng italaga sa mahahalagang posisyon sa unang regular na pamahalaan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
Kabilang sa mga posisyong isinasailalim sa pagsusuri ang mga Minister, Deputy Minister, Head of Office at Deputy Head of Office sa iba’t ibang tanggapan ng rehiyon.
Layunin ng screening na matiyak na ang mga mapipili ay may sapat na kakayahan, karanasan at kwalipikasyon upang gampanan ang kanilang mga tungkulin sa pamahalaan.
Isinasagawa ang proseso batay sa Memorandum Circular Number zero one four seven, Series of two thousand twenty-six, na inilabas noong Oktubre trenta. Sa pamamagitan nito, pormal na binuo ang Search and Screening Committee na siyang mamamahala sa pagtanggap, panayam at pagsusuri sa mga aplikante.
Bahagi rin ito ng paghahanda ng administrasyon sa pagpapatakbo ng regular na pamahalaang Bangsamoro, kabilang ang pagsusulong ng malinaw na proseso sa pagpili ng mga opisyal at maayos na pagpaplano para sa dalawang libo dalawampu’t pitong badyet ng rehiyon.










