Pinaigting ng Shariff Aguak Municipal Police Station ang pagsasagawa ng mga checkpoint sa iba’t ibang lugar ng bayan bilang bahagi ng kanilang hakbang upang mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng publiko.
Sa pamamagitan ng mga operasyong ito, mas mahigpit na binabantayan ng mga pulis ang mga sasakyang dumaraan upang maiwasan ang pagdadala ng mga ilegal na armas, ipinagbabawal na kagamitan at iba pang bagay na maaaring magamit sa paggawa ng krimen.
Layunin din ng pagpapaigting ng checkpoint operations na mas mapalawak ang presensya ng kapulisan at agad na matukoy ang anumang posibleng banta sa seguridad ng komunidad.
Ayon sa Shariff Aguak MPS, magpapatuloy ang kanilang mga operasyon bilang bahagi ng kampanya laban sa kriminalidad at pagsusulong ng mapayapa at ligtas na pamayanan.










