Nagbabala si Cotabato City Mayor Bruce Matabalao na kakasuhan at ipasasara ang mga gasolinahang hindi susunod sa ipinapatupad na pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo o price rollback.
Ayon sa alkalde, nagsasagawa na ng inspeksyon ang mga tauhan ng City Government upang matiyak na sumusunod ang lahat ng gasolinahan sa bagong presyo ng gasolina at iba pang produktong petrolyo.
Nilinaw naman ni Matabalao na walang paglabag kung pansamantalang magsasara ang isang gasolinahan dahil sa pagkaubos ng suplay. Gayunman, ipinasusuri rin niya ang mga tangke ng mga gasolinahang nagsasabing wala na silang stock upang matiyak kung totoo ang kanilang dahilan.
Kapag napatunayang nagsisinungaling tungkol sa kanilang suplay, maaari silang ipasara at panagutin sa batas.
Photo courtesy: Bruce Matabalao-fb










