Nagsagawa ng Community and Stakeholder Consultation ang Project SALAM Bangsamoro sa Parang, Maguindanao del Norte nitong Nobyembre 10, 2026.
Dinaluhan ito ng mga pinuno ng Agency Units at Field Coordinators upang talakayin ang mga alituntunin, mga hamon, at mga suliranin sa pagpapatupad ng proyekto.
Layunin din ng konsultasyon na mapabuti ang koordinasyon ng mga stakeholders at matiyak ang maayos na paghahatid ng mga programa at serbisyo sa mga benepisyaryo.
Patuloy na isinusulong ng Project SALAM Bangsamoro ang pagkakaisa at pagtutulungan para sa mas mahusay na serbisyo sa mamamayang Bangsamoro.










