Ibabalik na ng Bangsamoro Government ang regular na limang araw na pasok sa lahat ng tanggapan nito simula Nobyembre 16, 2026.
Ito ay kasunod ng Memorandum Circular No. 015, Series of 2026, na inilabas ng Office of the Chief Minister nitong Nobyembre 10, na nagtatapos sa dating four-day work arrangement.
Sa bagong iskedyul, papasok ang mga empleyado mula Lunes hanggang Biyernes, alas-8 hanggang alas-12 ng tanghali at alas-1 hanggang alas-5 ng hapon, o katumbas ng 40 oras bawat linggo.
Layunin ng hakbang na matiyak ang tuloy-tuloy at maayos na paghahatid ng serbisyo publiko sa buong BARMM.










