Dumalo si BARMM Chief Minister Abdulraof Macacua, mga ministro at gobernador sa Mindanao sa closed-door coordination meeting ng National Bureau of Investigation o NBI at Department of Justice o DOJ sa General Santos City nitong Nobyembre 10, 2026.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, pangunahing tinalakay sa pulong ang paghahanap kay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa at hinikayat ang mga opisyal na makipagtulungan sa mga awtoridad.
May natanggap umanong ulat na posibleng nasa Mindanao ang senador, ngunit nilinaw ng NBI na bineberipika pa ito at wala pang kumpirmadong impormasyon tungkol sa kanyang kinaroroonan.










