APAT NA PANGUNAHING PRAYORIDAD, ITINAKDA NI MILG-BARMM MINISTER JORDAN BAYAM SA KANYANG UNANG 100 ARAW

Naglatag si Ministry of the Interior and Local Government o MILG-BARMM Minister Jordan Bayam ng apat na pangunahing prayoridad na nais niyang maisakatuparan sa unang 100 araw ng kanyang panunungkulan.

Kasunod ito ng kanyang muling pagkakatalaga bilang pinuno ng nasabing ministeryo.

Sa pulong noong Nobyembre 9, tinipon ni Bayam ang mga opisyal at pinuno ng iba’t ibang tanggapan ng MILG upang talakayin ang kanyang First 100 Days Agenda at ang mga hakbang para agad na maipatupad ang mga nakapaloob dito.

Kabilang sa mga pangunahing layunin ang pagpapabuti sa pamumuno at pamamahala ng MILG, pagpapalakas ng pananagutan ng mga opisyal at mas maayos na paggamit ng pondo ng pamahalaan.

Pangalawa, nais niyang pabilisin ang pagpapatupad ng Bangsamoro Local Governance Code at ihanda ang mga lokal na pamahalaan o LGU sa paglilipat ng ilang tungkulin at responsibilidad mula sa pambansang antas patungo sa lokal na pamahalaan.

Pangatlo, kabilang sa kanyang plano ang pagpapatibay sa kapayapaan at seguridad, gayundin ang paghahanda ng mga komunidad sa posibleng kalamidad sa pamamagitan ng mas maayos na emergency response at disaster management.

At pang-apat, layunin niyang gawing mas mabilis, episyente at makatao ang serbisyo ng mga lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng digital governance at mas malapit na ugnayan ng MILG sa mga LGU.

Kasama rin sa mga nakaplanong aktibidad ang pagsasagawa ng Bangsamoro Summit upang bigyang-pagkilala ang mga lokal na pamahalaang may mahusay na programa at makabagong paraan ng paglilingkod sa publiko.

Hinimok naman ni Bayam ang mga opisyal at kawani ng ministeryo na magkaisa at panindigan ang kanilang tungkulin upang maisakatuparan ang mga layuning ito.

Binigyang-diin din niya na mahalaga ang papel ng MILG sa pagpapalakas ng mga lokal na pamahalaan upang matiyak na ang pondo at mga programa ng Bangsamoro Government ay direktang mapapakinabangan ng mamamayan.

Sa kabuuan, nakatuon ang kanyang unang 100 araw sa pagpapahusay ng pamamahala, pagpapatibay ng seguridad at paghahatid ng mas maayos na serbisyo publiko sa buong Bangsamoro Region.

Photo courtesy:MILGBangsamoro

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

DALAWANG LALAKI, PATAY SA PAMAMARIL SA DATU PAGLAS, MAGUINDANAO DEL SUR

DALAWANG LALAKI, PATAY SA PAMAMARIL SA DATU PAGLAS, MAGUINDANAO DEL SUR

0
Dalawang lalaki ang nasawi matapos silang tambangan at pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin sa Sitio Olonggapo, Barangay Poblacion, Datu Paglas, Maguindanao del...
IRISH AMBASSADOR, NAKIPAGPULONG KAY MILF CHAIRMAN MURAD; PAGPAPATULOY NG PEACE PROCESS, TINALAKAY

IRISH AMBASSADOR, NAKIPAGPULONG KAY MILF CHAIRMAN MURAD; PAGPAPATULOY NG PEACE PROCESS, TINALAKAY

0
Nakipagpulong si Irish Ambassador to the Philippines Emma Hickey kay Moro Islamic Liberation Front o MILF Central Committee Chairman Al Haj Murad Ebrahim upang...
EXECUTIVE ORDER NI DATING CHIEF MINISTER MURAD NOONG 2022, MULING IPINATUTUPAD; MGA MUJAHIDEEN AT MUJAHIDAT, MAY PRAYORIDAD SA MGA POSISYONG SG 9 PABABA

EXECUTIVE ORDER NI DATING CHIEF MINISTER MURAD NOONG 2022, MULING IPINATUTUPAD; MGA MUJAHIDEEN AT...

0
Muling binibigyang-pansin ng kasalukuyang administrasyon ng Bangsamoro Government ang isang polisiya na nagbibigay ng pagkakataon sa mga kwalipikadong Mujahideen at Mujahidat na makapasok sa...
Nestor Archival

MAYOR’S CUP BASKETBALL UG VOLLEYBALL SA SYUDAD SA SUGBO, GISUGDAN NA

0
Opisyal nang gisugdan ang 2026 Mayor’s Cup Basketball ug Volleyball Tournament sa dakbayan sa Sugbo sa Cebu City Sports Center. Miabot sa 95 porsiyento...
pork import ban

DA, MAGPATUMAN OG 60-DAY BAN SA PAG-ANGKAT OG PRODUKTO SA KARNENG BABOY

0
Magpatuman og 60-adlaw nga temporaryong pagdili sa pag-import og baboy ang Department of Agriculture (DA) ubos sa Department Order No. 33 nga gipagawas niadtong...
USA PATAY SA HELICOPTER CRASH ATOL SA PAGPATAY SA KALAYO SA INDONESIA

USA PATAY SA HELICOPTER CRASH ATOL SA PAG-APULA SA KALAYO SA INDONESIA

0
Usa ang namatay human nahagsa sa suba ang usa ka helicopter nga gigamit sa operasyon batok sa sunog sa kalasangan sa South Kalimantan, Indonesia. Matud...

Hot this week

Juander Radyo Drama Production Center

Juander Radyo Drama Production Center Juander Radyo Drama Production Center...

Juander Radyo Online – Malaybalay

  🎙️ Juander Radyo Online - Malaybalay Juander Radyo...

Juander Radyo Online – Dipolog

  🎙️ Juander Radyo Online - Dipolog Juander Radyo...

Juander Radyo Online – Pagadian

  🎙️ Juander Radyo Online - Pagadian Juander Radyo...

Juander Radyo Online – Digos

  🎙️ Juander Radyo Online - Digos Juander Radyo...

DALAWANG LALAKI, PATAY SA PAMAMARIL SA DATU PAGLAS, MAGUINDANAO DEL SUR

Dalawang lalaki ang nasawi matapos silang tambangan at pagbabarilin...

MAYOR’S CUP BASKETBALL UG VOLLEYBALL SA SYUDAD SA SUGBO, GISUGDAN NA

Opisyal nang gisugdan ang 2026 Mayor’s Cup Basketball ug...

DA, MAGPATUMAN OG 60-DAY BAN SA PAG-ANGKAT OG PRODUKTO SA KARNENG BABOY

Magpatuman og 60-adlaw nga temporaryong pagdili sa pag-import og...

DRAYBER SA TAXI GIDUNGGAB HUMAN GITULIS SA IYANG PASAHERO 

Nasikop ang 29-anyos nga lalaki human niya dunggaba ang...
RSV Online https://www.rsvlifecaremarketing.comspot_imgspot_img

Related Articles

Popular Categories

spot_imgspot_img