Rumesponde ang Philippine National Police o PNP sa iniulat na insidente ng pamamaril na naganap dakong alas-1 ng hapon nitong Setyembre 18, 2026, sa isang national high school sa Barangay Benitez, Banga, South Cotabato. Patuloy pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente.
Agad na siniguro ng mga rumespondeng pulis ang seguridad sa lugar at nakipag-ugnayan sa mga opisyal ng paaralan at medical responders upang matulungan ang mga naapektuhan at matiyak ang kaligtasan ng mga estudyante at kawani.
Patuloy namang bineberipika ng PNP ang kumpletong detalye ng insidente, kabilang ang pagkakakilanlan at kalagayan ng mga sangkot, pati na ang mga pangyayaring nakapaligid sa pamamaril.









