Pormal nang nanumpa si Ustadz Mubarak Domato Tiburon bilang bagong Deputy Minister ng Ministry of Agriculture, Fisheries and Agrarian Reform o MAFAR-BARMM. Pinangunahan ni Bangsamoro Chief Minister Abdulraof Sammy Gambar Macacua ang seremonya ng panunumpa na ginanap sa tanggapan ng MAFAR sa Bangsamoro Government Center.
Nagpasalamat naman si Tiburon kay Chief Minister Macacua sa tiwalang ibinigay sa kaniya at nangakong gagampanan nang maayos at may buong pananagutan ang kaniyang bagong tungkulin. Inaasahang makakatulong siya sa pagpapatupad ng mga programa para sa mga magsasaka, mangingisda at iba pang sektor na umaasa sa agrikultura.
Layunin ng kaniyang pagkakatalaga na makatulong sa pagsusulong ng mga programa para sa pag-unlad ng agrikultura, pangisdaan at repormang pansakahan sa Bangsamoro region.










