Pinangunahan ni Ministry of Labor and Employment o MOLE Minister Atty. Kitem Kadatuan Jr. ang ikalimang pagpupulong ng Bangsamoro Tripartite Wages and Productivity Board o BTWPB. Ito ang unang meeting ng lupon sa ilalim ng kanyang pamumuno bilang bagong chairman.
Ipinakilala rin sa pulong sina MTIT Minister Atty. Faizal Padate at BDPA Director General Atty. Laisa Alamia bilang mga bagong vice chairperson. Binigyang-diin ni Kadatuan na kailangang maging patas ang pagtalakay sa usapin ng sahod. Aniya, mahalagang mapakinggan ang panig ng mga manggagawa at mga employer upang magkaroon ng balanseng desisyon.
Nagpahayag naman ng suporta ang mga kinatawan ng mga manggagawa at employer sa bagong pamunuan at sa layuning magkaroon ng makatarungang sahod at mas maayos na produksyon sa Bangsamoro.
Ang BTWPB ang nangangasiwa sa pagtatakda ng minimum wage o pinakamababang sahod ng mga manggagawa sa rehiyon. Layunin din nitong mapalakas ang ugnayan ng pamahalaan, mga manggagawa at mga employer.










