Nagsagawa ng pagpupulong ang Central Tarbiyah sa Cotabato City bilang paghahanda sa nalalapit na Central Mindanao Regional Musabaqa 2026. Nakatakdang ganapin ang aktibidad sa Buayan Province sa Disyembre 19 hanggang 23, 2026, na lalahukan ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang lugar sa Central Mindanao.
Sa naturang pulong, tinalakay ang mga kailangang paghahanda at iba pang mahahalagang detalye upang matiyak ang maayos na pagsasagawa ng programa.
Layunin ng Regional Musabaqa na maipakita ang kaalaman at kakayahan ng mga kalahok, gayundin ang palalimin ang kanilang pananampalataya at pagpapahalaga sa mga aral ng Islam.
Inaasahan naman ang susunod na anunsyo para sa karagdagang detalye ng nasabing aktibidad.










