Patuloy ang pagsasagawa ng dredging operations sa bayan ng General Salipada K. Pendatun o GSKP, Maguindanao del Sur, upang mapahusay ang daloy ng tubig at makatulong na maiwasan ang pagbaha sa mga komunidad.
Layunin ng proyekto na linisin at palalimin ang mga daluyan ng tubig upang mabawasan ang panganib ng pagbaha, lalo na tuwing malakas ang ulan.
Bahagi ito ng mga programa ng pamahalaan upang maprotektahan ang mga residente at mapalakas ang kahandaan ng mga komunidad laban sa mga sakuna.










