Mariing kinondena ng Ministry of Basic, Higher and Technical Education o MBHTE ang pagpaslang kay Principal Dionel Villabito Mahusay ng Pendililang Elementary School sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao del Sur nitong umaga.
Sa pahayag ng ahensya sa pamumuno ni Minister Atty. Naguib Sinarimbo, hinimok nito ang mga awtoridad na magsagawa ng masusing imbestigasyon upang matukoy at mapanagot ang mga nasa likod ng krimen.
Binigyang-diin din ng opisyal na hindi dapat mamuhay sa takot ang mga guro at mga opisyal ng paaralan habang ginagampanan ang kanilang tungkulin sa Bangsamoro.
Iginiit ng MBHTE na mahalagang matiyak ang kaligtasan ng mga guro at kawani ng paaralan upang maipagpatuloy nila nang maayos ang pagbibigay ng edukasyon sa mga mag-aaral.










