Arestado ang dalawang suspek matapos ang pamamaril sa tatlong indibidwal sa Mother Barangay Rosary Heights, Cotabato City. Kinilala ang mga suspek na sina Fahad Budzal Toto, 35-anyos, at Bheds Gumla Sapang. Nasugatan sa hita si Sapang matapos mabaril ng mga humahabol na pulis at dinala sa ospital.
Batay sa imbestigasyon, sinundan ng mga suspek ang tatlong biktima na sakay ng kotse bago pinaputukan. Mabuti na lamang at walang nasaktan sa mga ito.
Love triangle ang paunang tinitingnang motibo sa insidente. Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at paghahanap sa ginamit na baril.










