Muling itinalaga ni Bangsamoro Chief Minister Abdulraof Macacua si Mufti Abdulrauf Guialani bilang Bangsamoro Mufti. Ayon sa pahayag, layunin nitong ipagpatuloy ang pagkilala at suporta sa mahalagang papel ng Ulama sa pamahalaang Bangsamoro.
Kabilang sa mga naisulong sa ilalim ng kaniyang pamumuno ang mga pagtitipon at konsultasyon ng mga Ulama, gayundin ang pagpapalawak ng Community Peace Advocates na tumutulong sa pagsusulong ng kapayapaan.
Iniulat din na nasa 90 porsiyento na ng mga plantilla positions sa kanilang tanggapan ang napunan.
Sa muling pagkakatalaga kay Guialani, inaasahang magpapatuloy ang pakikilahok ng Ulama sa pagtataguyod ng pagkakaisa at kapayapaan sa Bangsamoro.










