Nagsagawa ng inspeksyon ang Cotabato City Traffic Management Center, Public Safety Office at PNP sa operasyon ng mga habal-habal driver sa BARMM Compound. Kasunod ito ng direktiba ni Mayor Bruce Matabalao na imbestigahan ang mga reklamong natanggap laban sa ilang motorcycle riders.
Kabilang sa sinusuri ang umano’y pagbabawal sa ibang rider na bumiyahe, paniningil ng pamasahe, rehistro ng mga motorsiklo at bisa ng mga lisensya ng driver.
Hinihintay naman ang opisyal na resulta ng inspeksyon upang matukoy kung may mga paglabag at kung anong kaukulang aksyon ang dapat gawin.










